b a n g u n g o t
1. Higaan (Bed)
Maging
mga bisig ko ma’y di ka magawang yakapin
Sa
mga panahong ika’y alipin ng pag-iisa.
Maging
mga paa ko ma’y mistulang walang buhay
Patuloy
tayong magiging iisa.
Sapagkat
sa pagsapit ng gabi aking mahal,
Ang
pagniniig ay hindi kailanman masisilayan ng umaga.
Sapagkat
sa ilalim ng buwan at mga bituin,
Hindi
na siya ang iyong kapiling.
Walang
salita, walang damdamin.
Walang
dahilan, walang dapat na sabihin.
Ako
ang saksi sa iyong bawat pagluha,
Ako
ang iyong kasandal tuwing ika’y nakatulala.
Ako
ang susi sa bawat hiwaga;
Hiwagang
nanahan sa iyong di nagungusap na mukha.
Ako
ang daigdig mo sa pagtakas ng huling silahis ng araw,
Ang
daigdig mong kailanma’y hindi magugunaw.
Ako
ang halimbawa ng salitang walang hanggan,
Sapagkat
simula iyong pagkabata’y ako na ang iyong tahanan.
Panginoon
ako ng panahon, panginoon ng iyong alaala.
Imbakan
ako ng iyong kabataan, ipunan ng iyong kinabukasan.
Hindi
mo masisilayan ang hindi mo naman nauunawan,
Sapagkat
ako ay ikaw.
At
ikaw ay ako.
2. Unan (Pillow)
Ako
ay isang kawatan
Na
dumarating upang nakawin ang lahat.
Ang
iyong mga pangamba, ang iyong mga
pagluha,
ang iyong mga maling pag-asa.
Sa
lambot ng aking katawan,
Mistula
itong sumasayaw kasabay ng bawat
mong
paggalaw.
Wala
man akong mga kamay
Upang
hawakan ang buo mong katawan;
Ako
naman ay nakasisiguro,
Sa
isipan mo ako ay tumitimo.
Ako
ay isang kawatan.
Hindi
ka hahayaang mahulog sa kawalan.
Ang
samyo ng iyong buhok,
Ang
kinis ng iyong mga pisngi,
Sa
tuwing dumidilim
Sa
aking mukha, ito ay unti-unting dumadampi.
Hindi
mawari kung saan nagmumula,
Mali
kong pagkahumaling sa pagsilip sa iyong alaala.
Hindi
maunawaan kung bakit naghihintay,
Na
ako ay tapunan ng panahon bago ang aking pagkamatay.
Lilipas
ang araw at mawawala na ang liwanag.
Sa
dilim lang kita mahahawakan,
Sa
dilim lang kita mahahagkan.
Sa
dilim ako ang iyong pag-ibig,
Sa
dilim ako ay hawak mo sa iyong mga bisig.
3. Kumot (Blanket)
Kulog.
Kidlat.
Ako
ang langit at dilim ang aking hatid.
Ako
ang madidilim na ulap na bumabalot sa iyong katauhan.
Ako
ang gabi.
Sa
liwanag ako ay iyong nililimot,
Sa
liwanag ako ay tinatanggalan ng buhay.
Sa
liwanag, hindi ako ang iyong minamahal.
Kaya
kong balutin ka sinta, kaya kong hawakan ang iyong kabuuan.
Kahit
sa akin ay hindi ka tapat,
Mayakap
ka lang sa akin na ay sapat.
Kahit
na hindi ako nag-iisa,
Kahit
na sa gabi ay kapiling mo siya,
Patuloy
kitang hahawakan, patuloy na iingatan.
Ito
ang pangako ng isang panaginip,
Ito
ang pangakong sa iyong kaluluwa ay sumasagip.