Friday, September 6, 2013

Pag-iisa (Dalit)


Ang bubuyog sa bulaklak,
Patuloy sa paghalakhak.
Sa mata’y kita ang galak,
Mistulang lango sa alak.

Sa paglipas ng panahon,
Lanta na ang mga dahon.
Wala na ang mga ibon,
Nilimot na ang kahapon.

Tahimik na ang bakuran,
Hindi na nagtataguan,
Lutu-lutuang laruan,
Winasak ng kasalanan.

Patuloy pa rin ang duyan,
Gumagalaw ‘pag nahipan,
Isang matandang hukluban,
Iniwan na ng katipan.

No comments:

Post a Comment