Thursday, July 18, 2013

Unan v.2.0



Ang kawatan ng iyong alaala,
Nagkukubli sa iba’t ibang hugis at mukha.
Ang kawatan ng iyong kabatan,
Munting katawan ay kulang pang sisidlan.
Ang kawatan ng iyong mga panaginip,
Walang mga mata ngunit nakasisislip.
Sa unang pagkikita’y agad na yayakap,
Isang musmos na sa pagyapos ay salat.
Ang amoy na nagbabago sa bawat segundo;
Amoy ng gugo, usok man o pabango.
Sa gabi ito ang kawatang tunay na iniibig,
Ngunit sa pagsapit ng umaga,
Mistulang nawawalan ng halaga.
Minsan ay bilog, minsan ay parihaba,
Minsan ay manipis, minsan ay mataba.
Ang makamundong paghaplos,
Ang buong pagnanasang paghalik,
Sa pagdating na dilim ay tunay na nasasabik.

Higaaan v.2.0



Matigas o malambot,
Hubad man o balot.
Sa dilim man o liwanag,
Ginahawang hatid
Ay ‘di tulad ng sa lapag.
Walang mga bisig upang yumakap,
May apat na paang tunay na nakayapak.
Ito ang mundo ng kabalintunaan,
Saya’t lungkot dito maaari mong matututunan.
Habang dumadausdos sa buo nitong katawan,
May huwad na pagkiliti sa iyong kalamnan.
Ang samyo nito habang nakikipagniig,
Tila bawal na gamot na hatid ay kilig.
Sa pagsapit ng hatinggabi,
Sa paglamon ng buwan sa araw,
Magisa man o mayroong katabi,
Hindi parin matitigil ang pagpalahaw.
Ang pagpikit ng iyong mga mata,
Mistulang hudyat ng  pag-iisa.
Sapagkat sa halip nakapayapaan
Dulot ay mga kwento ng kababalaghan.
Hindi isang sisidlan ng kaligayahan,
Kundi isang malaking tahanan,
Tahanan ng mga pangarap na wala
namang katuparan.
Hindi alwan,
Hindi kahit na ano pa man,
Kundi pag-iisa at kalungkutan.

Kumot v.2.0



Nagtataaglay ng ibang kayarian,
Magaspang at may burda.
Ang laki ay hindi inaasahan,
Sa pagbuklat, tila palaa aang kalangitan.
May init na dulot sa lamig ng gabi,
May ginhawang dalasa katawang balot ng pag-aalala.
Ngunit hindi tama, ngunit hindi tama.
Sapagkat ang paglukob sa buong katauhan,
Ay sakim.
Sapagkat ang pagbibigay ng init,
Ay hindi dapat ikalalamig ng iba.

Kadiliman ang hatid sa bawat gabi,
Kadilimang ‘di takot ang katabi.
Kadilimang may hatid na pag-asa;
Pag-asang wala na ang unos
Bukas ng umaga.
Ngunit ang kadiliman,
‘Di man pangamba ang dulot,
Ay isa paring pagpapaalala
Ng aking pag-iisa.
 

Death



One.. Two..Three..
I count the droplets on top of a thin glass.
Quietly, I laugh.
But something is wrong
Everybody’s eyes – bloodshot
Everybody’s hands – trembling.
Four…Five…Six…
The droplets are multiplying
And the weeping becomes louder and louder.
It lingers to the deepest part of the soul.
Even more quietly, I laugh.
Seven…Eight…Nine…
The rain of woe is now at its strongest.
A million droplets flooding the room.
Everybody is black and blue.
Ten..
Quietly, I laugh and leave.