Ang
kawatan ng iyong alaala,
Nagkukubli
sa iba’t ibang hugis at mukha.
Ang
kawatan ng iyong kabatan,
Munting
katawan ay kulang pang sisidlan.
Ang
kawatan ng iyong mga panaginip,
Walang
mga mata ngunit nakasisislip.
Sa
unang pagkikita’y agad na yayakap,
Isang
musmos na sa pagyapos ay salat.
Ang
amoy na nagbabago sa bawat segundo;
Amoy
ng gugo, usok man o pabango.
Sa
gabi ito ang kawatang tunay na iniibig,
Ngunit
sa pagsapit ng umaga,
Mistulang
nawawalan ng halaga.
Minsan
ay bilog, minsan ay parihaba,
Minsan
ay manipis, minsan ay mataba.
Ang
makamundong paghaplos,
Ang
buong pagnanasang paghalik,
Sa
pagdating na dilim ay tunay na nasasabik.
No comments:
Post a Comment