Matigas
o malambot,
Hubad
man o balot.
Sa
dilim man o liwanag,
Ginahawang
hatid
Ay
‘di tulad ng sa lapag.
Walang
mga bisig upang yumakap,
May
apat na paang tunay na nakayapak.
Ito
ang mundo ng kabalintunaan,
Saya’t
lungkot dito maaari mong matututunan.
Habang
dumadausdos sa buo nitong katawan,
May
huwad na pagkiliti sa iyong kalamnan.
Ang
samyo nito habang nakikipagniig,
Tila bawal
na gamot na hatid ay kilig.
Sa pagsapit
ng hatinggabi,
Sa
paglamon ng buwan sa araw,
Magisa
man o mayroong katabi,
Hindi
parin matitigil ang pagpalahaw.
Ang
pagpikit ng iyong mga mata,
Mistulang
hudyat ng pag-iisa.
Sapagkat
sa halip nakapayapaan
Dulot
ay mga kwento ng kababalaghan.
Hindi
isang sisidlan ng kaligayahan,
Kundi
isang malaking tahanan,
Tahanan
ng mga pangarap na wala
namang
katuparan.
Hindi
alwan,
Hindi
kahit na ano pa man,
Kundi
pag-iisa at kalungkutan.
No comments:
Post a Comment