Sunday, December 15, 2013

PAK-SO (PASKO)

Apat na taon na.

Bilangin mo.

Oo, apat. Apat na taon nang paulit-ulit na binubuo at dahan-dahan nanamang paghihiwalayin ang Christmas Tree. Apat na taon na rin na nasa malayo lang ako; tahimik na hinihiling na ako naman ang buuin mo. Apat na taon na rin kasi akong ganito, pira-piraso, walang pakinabang, walang nagmamahal.

Tapos, heto ka at sasabihin sa aking huling pasko ko na sa UPLB. Oo, huling Pasko na. Sana metaphoric nalang 'yun. Sana dahil huling Pasko ko na, huling taon na rin na mamahalin kita. 

Nakikita mo 'yung mga pusong nakasabit sa puno? Gawa lang 'yun sa plastic, o kaya sa styrofoam. Masisira 'yan, mababasag at kapag nangyari 'yun, mahihirap ka nang buuin. E kung ako na lang? Wala kang obligasyon sa puso ko.  At 'yung bituin sa itaas? Hindi mo kailangang umakyat para kunin 'yun para sa akin. Ako ang aabot para sa ating dalawa. Kailangan mo lang kumapit kahit mahirap, kahit nakakalula, kahit mabigat na.

Pangako, habang nakakapit ka, hinding hindi tayo bibitaw.

Naisip ko na ang lahat ng gagawin natin araw-araw. Araw-araw sa tuwing papatak ng alas seis, hahawakan mo ang kamay ko at pupunta tayo sa Christmas Tree. Kukunan mo ako ng litrato, kukunan kita tapos tayong dalawa. Araw-araw; bilangin natin para sa loob ng isang taon, kunwari araw-araw tayong magkasama. Para kunwari, ngayon, sa unang pagkakaton, araw-araw akong masaya.

Sandali na lang naman. Aalis na rin ako. Sandali ka nalang magpapanggap, sandali ka nalang magtitiis. 

Sige na,

Ngayon lang.

Sunday, December 8, 2013

Pagbabalik

Ang kahon ng Mer-Nel’s sa malamig na HM bus
            Isa sa mga sakripisyong kailangan kong gawin bilang isang kolehiyala ay ang pag-aaral sa isang malayong lugar mula sa aking probinsiya: ang UPLB.
Nang malaman ni Mama na dito ako magaaral (sa isang lugar na halos wala namang pinagkaiba sa Isabela, mabundok, hindi kasing init ng hanging Maynila, walang taxi, mura ang mga bilihin) ay halos hindi niya magawang pakawalan ang kaniyang panganay sa mga kuko ng panibagong probinsiya lalo pa at alam raw niya na hindi siya maaaring lumipad kung sakaling ako ay magkasakit o kung sakaling gusto nila akong makita.
            Si Papa naman hindi umiimik ngunit nababasa ko ang nasa isip niya. Natatakot siya na ang panganay niya, ang panganay na sana ay magaahon sa kanilang buhay, ay magkamali, malulong sa masamang bisyo, mapasama sa maling barkada, mabuntis.
            Hindi ko sila masisi.
            Ganitong ganito rin ako nung sinabi ni Mama at ni Papa na pupunta raw sila sa Australia o Canada para magtrabaho. Dumaan ang isa hanggang dalawang linggong hindi ako kumikibo; hindi ko kayang makita silang lumayo. Ganitong ganito ako sa tuwing aalis si Papa papunta sa CAVRAA o sa Palarong Pambansa sa Iloilo o sa Baguio o kung saan man bilang isang basketball coach; ganitong ganito ako nung sinugod si Mama sa ospital dahil manganganak na siya sa ikatlo kong kapatid at naiwan kami sa pangangalaga ng pinsan kong noon ay nasa kolehiyo na at kaming magkapatid ay anim at limang taong gulang pa lamang.
            Tulad ng biglaan naming pagalis ng bahay sa kalaliman ng gabi dahil sa isang malaking itim na ahas na nakapulupot sa kahoy naming kisame ay may pangambang bakas sa buong bahay nang sabihin kong magaaral ako sa UPLB.
Hindi ako kinikibo ng bunso kong kapatid. Sino raw ang magmemake-up sa kaniya kapag may event siya sa school? Sino raw ang gagawa ng mga slogan o essay nilang dalawa?
            Mahigit tatlong taon na at sariwa pa rin ang mga eksena bago ako umalis papuntang LB; mga eksenang akala mo ay halaw sa madramang teleserye sa telebisyon. Ngayon, punung puno ng mga pasalubong ang maliit kong itim na maleta, may rambutan, lansones, mga damit, mga libro, at ang paborito nilang Mer-Nel’s.
            Unang beses sa loob ng tatlong taon na uuwi akong mag-iisa, unang beses sa loob ng tatlong taon na sa wakas ramdam ko ang independence. Kung lalapatan ng teorya, madali lang naman ang umuwi sa Isabela, sasakay ng dyip papuntang Olivarez, tapos maghihintay ng bus (dati HM lang ang alam kong bumabyahe sa Cubao, may DLTB at Greenstar pala).
Isang beses pa nga, nagagalit si Papa habang naghihintay ng bus, ang tagal raw ng LTB o ng Greenland. Pagkarating sa Cubao, lalakad ng kaunti papunta sa terminal ng Victory Liner o ng Florida. Kapag punuan o peak season, tatawid o magtataxi papunta sa Dominion. Madali lang, madali lang sana. Pero hindi kasing dali nang pagggawa ko ng desisyon para lumayo sa aking pamilya.
            May teorya pero hindi ko nagawa sa loob ng tatlong taon. Ngayon lang at masayang masaya akong uuwi mag-isa. Dala ang isang malaking backpack, maliit na itim na maleta, at makapal na jacket, sumakay ako sa isag HM bus.
 Punung-puno dahil pauwi ang halos lahat, kinailangan kong maupo sa hagdang paakyat ng bus para hindi ako mahilo. Paalala kasi ni Mama dapat uupo ako kasi kung hindi aatake yung vertigo ko.
            Wala man lang kahit sinong nagpaupo sa akin, kahit pa ang ganda ganda ng suot kong lipstick nung araw na iyon. Ibang klase. Mabilis magpatakbo si manong drayber, kailangang kumapit ng mahigpit kung ayaw mong tumilapon at sumubsob sa pintuan ng bus.
Ganoon pa man, ang pinakamahalagang bagay na inalala ko pa rin ay ang hawak kong kahon ng Mer-Nel’s; baka kasi magulo yung sulat. Nakalagay kasi “Welcome home, Ate!”. Kahit ako lang ang nagpalagay ‘nun, baka magulo sayang naman.
            Mahaba at maalog ang byahe patungong Kamias. Kahit pa medyo nanginginig ako dahil hindi ako sigurado kung hihinto ang bus sa Jollibee Kamias at baka dumiretso na ito sa terminal at hindi ako marunong tumawid ay pinilit ko pa ring matulog. Nakasandal sa malamig na bakal na hawakan ng bus at may nakasaksak na earphones sa magkabilang tenga, yakap yakap ko pa rin nang mahigpit ang kahon ng Mer-Nel’s.
“O Kamias, kamias, kamias o! Baba na!”, tawag ni manong drayber.
            Buti na lang high-tec ang iPod 4G, may auto-off ng music kapag lumampas na sa alarm time at narinig ko ang tawag ni manong. Jollibee, saktong sakto. Mabilis akong naglakad, takot na baka may humablot ng dala kong bag at Mer-Nel’s.
Maasim talaga ang Sampaloc, lalo na sa gabi
            Pagkarating sa Victory Liner Cubao, may malaking karatula sa tapat ng booking office, “All trips are closed until tonight, 11:00PM”. Ibang klase nga naman kapag swineswerte, ngayon na nga lang uuwi mag-isa, punuan pa.
‘Di bale, may Florida pa naman, sabi ko sarili ko. Naglakad ako muli sa maalikabok at maalinsangang lansangan ng siyudad, pagkarating ko sa terminal ng Florida, sobrang daming tao. Siksikan ang mga matatandang amoy tabako, pati ang mga batang panay ang nguya ng Nova.
            Nagtanong ako sa babaeng nakaupo sa booking office kung anong oras ang bakante pa, kahit yung via Cauayan lang. Mas madaling magpasundo kapag nasa Isabela na mismo, sabi ko sa sarili ko.
            Wala na daw, ang next trip daw ay sa makalawa pa dahil peak season.
            Lintek na peak season ‘yan. Paano ako uuwi sa Isabela kung mag-commute nga papuntang Cubao, hirap na hirap ako? Babalik na ba ako ng Los Baños? Papara ng taxi pabalik sa terminal ng HM?
            Mangiyak-ngiyak kong tinawagan si Papa. Gagawa raw siya ng paraan. Makalipas ang ilang minuto, tumawag ulit si Papa, ‘wag daw akong aalis sa kinaroroonan ko at susunduin ako ng pinsan kong pulis at isasakay sa Sampaloc. Magagawan daw niya ng paraan ‘don kasi teritoryo niya. Ako naman si “Opo, Pa. Dito lang ako”.
            Matagal bago dumating ang pinsan ko, naubos ko na yata ang isang litrong C2 na bebenta sa terminal nang pumarada ang isang police car sa harap ng terminal. Hanep, sasakay ako sa police car. Kriminal lang ang peg.
            ‘Pagkarating sa Sampaloc, nagtext si Papa. Nagawan na daw niya ng paraan, nakausap na daw yung dispatcher sa Dalin tapos isasakay na daw ako. Priority daw e. Ayos din yung tatay ko, barkada ang mga dispatchers at konduktor ng bus.
            Hinatid lang ako sa terminal ng bus at umalis na rin ang pinsan ko. May ‘responde’ pa daw sila sa may palengke (medyo hindi ako sigurado kung grammatically correct ‘yun pero ‘yun ang narinig kong sinabi niya).
 Naghintay ako hanggang dumating ang alas seis kong byahe. Kadalasan kapag alas seis ang byahe, dumarating ang bus tatlumpung minuto bago ang oras ng pagalis pero magaalas singko y media na, wala pa rin ang bus.
            Madedelay daw ng kaunti. Trapik daw sa SCTEX. Naiintindihan ko naman. Nakiusap lang naman kami para makauwi ako eh. Alas siete na. Sige, naiintindihan ko pa rin kahit nagsisimula nang uminit ang ulo ko at sumakit ang mga paa ko sa kakatayo.
Alas otso na, sige okay lang, walang problema, matutulog na lang ako sa bus pagkasakay.
Alas nuwebe na, may dumating na bus. Sa wakas.
“O yung mga alas singko diyan o, sakay na!”
            Walang hiya. Ibig bang sabihin nito alas dies pa ‘yung byahe ko? Sige, ok lang. Nakakadalawang balut na akong may suka. Nang halos magka-leukaemia na ako sa mga kagat ng lamok (dengue pala muna), nang halos matae na ako sa dami ng balut na nakain ko, dumating din sa wakas ang bus.
 Siksikan ang mga tao at nagsisigawan, kesyo daw ganito, kesyo daw ganyan. Puro talak ang mga taong nasa likod ng pila. Nang makita ako ng dispatcher, idinaan niya ako sa gitna ng kumpol-kumpol na mga tao para makasakay sa may unahan. May nakasulat pang “reserved”.
            Narinig ko ang ilang matatandang nagrereklamo kung bakit daw ako may upuan nang sinabi nila noong una pa lamang na bawal ang “reservations”. Hindi ko na pinansin, ang mahalaga nakaupo na ako at makakauwi sa Isabela.
Ngunit biglang naghamon ng away ang isang matangkad na lalaking makapal ang bigote, gusto raw makausap ang boss ng bus dahil nagpapaupo ng magagadang babae bago ang mga nakapila.
            Sa loob loob ko ay nagpasalamat ako sa pagtawag sa aking maganda pero narindi rin ako sa kakaputak niya kaya nagsalita na rin ako.
“General ang lolo ko”
            Iyon lamang at tumahimik ang mama. Hindi na ako nagsalita pa at hinintay na lang mapuno ang bus. Nang paalis na ito, tinawagan ko na sina Mama at Papa at sinabing nakasakay na rin ako at darating ako kinaumagahan kung walang trapik sa daan ng bandang alas dies ng umaga. ‘Yun lamang at ako ay natulog na.


Ang matabang hotdog ng CCQ
            Nakatigil ang bus nang magising ako. Dumungaw ako sa noon ay malamig at natatakpan na ng hamog na bintana. Medyo maliwanag na sa labas. Napabalikwas ako, hindi ko akalaing ganoon na katagal ang tulog ko. Agad-agad kong kinapa ang cellphone sa aking bulsa, “14 messages, three new tweets”. Puro nanay at tatay ko lang pala, tinatanong kung nasaan na ako.
            Malamang hindi nanaman nakatulog si Papa kakahintay sa akin. Malamag rin ay hindi iyon uminom noong nakaraang gabi para siguradong masusundo niya ako kinaumagahan. Malamang ay malinis na ang kwarto ko at bagong palit na ang kobre-kama at mga punda ng unan kahit pa pipilitin lang din nila akong matulog sa tabi nila.
            Nakaramdam ako ng gutom at bumaba sa bus. Karga karga pa rin ang mabigat kong backpack na may lamang laptop, saglit kong tinitigan ang umuusok pang hilera ng lugaw, mami at pancit. Sa gilid ay may nagtitinda pa ng tupid. Ahh! Nasa Region II na talaga ako.
            Mayamaya’y nabaling ang paningin ko sa isang babaeng nagiihaw ng hotdog. Malaki at mataba ang mga hotdog na iniihaw ni ate. Nang tinanong ko kung anong brand ng hotdog ang mga yun, sumagot siya ng “tender juse”. Imposibleng tender juicy ang mga iyon. Ang tataba at ang lalaki.
            Bumili ako ng isa at inakyat sa bus. Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis na muli ang bus. Inililis ko ang kurtina sa bintana at pinanood ang bulubundukin ng Nueva Vizcaya habang kinakain ang hotdog ko.
            Pumihit ang drayber at muntik akong napasubsob sa upuan sa harap ko. Sumisigaw siya ng Cordon. Napakunot ang noo ko dahil parang ang bilis ng byahe. Cordon ang unang bayan ng Isabela. Nasa Cordon na kaagad kami at hindi pa nauubos ang hotdog ni ate. Mula Vizcaya hanggang Isabela, parang komersiyal lang.
            Nasimot ko na ang hotdog at bumalik nanaman ako sa pagtulog. Kulang-kulang dalawang oras pa bago ako makarating sa babaan.

Kinakalabit ako nang kung sino. Pagkamulat ko ay ang drayber pala. Cauayan na daw at pinapababa na ako ng Papa ko. Bigla akong bumalikwas at sinuot ang backpack, dali-daling tumakbo pababa ng bus nang maalala ang Mer-Nel’s na nasa itaas ng upuan ko. Tumakbong pabalik at agad ring bumaba.

Nakita ko ang puting Crosswind na nakaparada sa tapat ng canteen ng terminal at ang mga magulang kong kumakaway sa akin, sabay isang mahabang langhap sa hangin ng Isabela.

Photocopy lang ang pag-ibig

Nasa RMS ako para magpaphotocopy sa Kuyang mistulang palong ng manok ang buhok.
“ENG 101” sabi ko.
“Ako rin”, sabi ng isang tinig na pamilyar sa akin.
Nilingon kita, lumingon ka rin. Nagngitian tayo. Hindi alam kung maguumpisa ba ng isang konbersasyon pero alam ko akmang magsasalita ka na.
Matagal ang paghihintay, masakit. Lalo pa sa isang mainit na diskusyon natin kanina sa klase. Ayaw mong sumangayon sa ideya ko ng pag-ibig, ayaw mong sumang-ayon na ang pag-ibig ay hindi sakim. Sabi mo, “Kailangan mong angkinin ang taong iniibig mo, kung hindi kalianma’y di siya magiging iyo. ”
Natahimik ako. Ayokong sumang-ayon dahil ang pag-ibig ko para sayo ay hindi sakim, hindi kailangang matawag kitang akin, hindi kailangang mahalin mo ako pabalik, kailangan lang kitang mahalin. Alam mong alam ko na hindi natin maaaring angkinin ang isa’t isa. Ngunit sa kabila noon, nililito mo parin ako sa mga ginagawa at sinasabi mo.
“Ano pang handouts ang kukunin mo?”, basag mo sa mistulang isang daangtaong katahimikang bumbalot sa ating dalawa sa harap ng RMS.
“ENG 101 lang”, sagot ko.
Gusto ko ang ENG 101, natututo akong umibig, natututo akong lalo pang mahalin ka. Sabi doon, “Ang isang tao ay maaari lamang maging ang nagmamahal o ang minamahal”. Sigurado ako kung sino ako doon. Sayo ako hindi sigurado.
Kung ano man ang meron sa atin, hindi ito matatawag na relasyon, pag-ibig ito. Walang komplikasyon, walang commitment. Meron akong iba, katulad mo naman ang gusto mo. Kailanman, hindi tayo magtatagpo.
“Ito na”, sabi ng Kuyang nasa RMS.
Sabay nating inabot ang handouts, nagtagpo ang ating mga daliri. Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Hinawakan mo ang kamay ko o aksidenteng nahawakan. Ano man dun ang totoo, nagtagpo ang ating mga palad na sa hinagap man di ko inakalang mangyayari. Inibig kita bago ko pa malaman na hindi ako ang iniibig mo. Sumugal ako isa ideyang posibleng maibalik mo ang lahat ng binibigay ko ngunit lumipas ang panahon at nawalan ako ng konsepto ng relasyon.
“Bakit ganun? Laging unrequited pag umiibig ako? Sa teacher ko, sa VetMed, sayo.”, sabi ko sarili ko.
Tumango ka lang. Sa akin? Sa iniisip ko? Bigyan mo ko ng mga salita. Kailangan ko ng mga salita. Kailangan kong maniwalang hindi pa tapos ang kwento natin.
“Sige pasok na ako”, sabi mo.
Bago pa ako makasagot, tumawid ka at sumakay ng jeep pakaliwa sa tapat ng KWNE. Doon ka nawala sa akin. Doon ako tumigil umibig. 

Sunday, September 29, 2013

Puta Red: The Colour of our Generation

Initially, the colour or the shade did not matter.
            Sitting by the windowpane on an extremely cold Wednesday morning, my eyes are set into an apertural vision towards my male Creative Writing professor when I was distracted by a pleasing visual sensation somewhere along 10:00 [my eyes being the point of reference]. My classmate, Taz, was positioned in a very eye-catching spot in the room, somewhere along the centre aisle, wearing a vibrant and loud red lipstick. I took out a mirror and examined my lip colour; I was looking more and more pallid.
            The manner her lips move towards different directions when she speaks and the slow, seemingly-out-of-a-movie gliding actions she does seemed as if there is a rollercoaster of brand new human experiences tingling the glutton within me. My eyes slither with every movement of her lips. My throat would tease my mouth by remaining dry for seconds; my hand would gently caress my stomach as if I was copulating with a big bowl of hot, spicy Ramyun.
It was almost a sensationalize feeling of love at first sight; but then the professor signalled the dismissal of the class and I had to say goodbye to what we came to know as the perfect puta red lipstick.
Thinking about how long I would have to wait to reunite with my newfound eye candy seemed eternal.
            It took me back to how I choose and buy my lipsticks. The retelling of this story to a multitude of people, some who I already knew and some who I just met, would be as painful as waking up at 1:00 in the afternoon to attend your CMSC 2 class and stop your siesta. It was like a tug-of-war between the desire to pull people in and the fear of being pushed away.
            On my 17th birthday, mom handed me a present. It was probably the most disappointingly wrapped present I have received in 17 years; it was in a super small gift wrapper. The size took away all of my excitement to open it, but I did so, nonetheless. It was one of those moments when you think of a plausible rationale why a person would give such a gift knowing that it is not within your circle of interest, or expectation for the matter.
Mom gave me my first lipstick, baby pink was written on the bottom part of it.
            With a huge question mark drawn all over my face, mom gave me a kiss on the right cheek and said, “Dalaga ka na e. Happy birthday.” and all of a sudden, it made sense. That particular instance started the lipstick story.
            Like a baby, I almost asked why I cannot have the shade she was wearing and she answered me briefly. She said it was not the colour for my age. Red, according to her, is colour for strong, working women.
            However, unlike other people, I love to rationalize why I am sort of hooked into collecting different shades in the hopes of finding that one, perfect colour that would make me empowered as a woman and as someone belonging to the middle class of the social structure and perhaps with a stubborn desire to prove my mom wrong, that red can be my colour as well.  
            I was in the make-up section of a small provincial mall in Ilagan Isabela called Northstar Mall when a woman, about 40 to 50 years of age inquired for a deeper shade of maroon in the Ever Bilena line.
The saleslady looking almost like a pale white siopao drizzled with an overly red eye shadow, blush-on and lipstick, almost like using the lipstick to create an entire look, gladly raided the entire rack to help the woman find her shade.
As the saleslady was busy finding what she was asked to find, my mom exclaimed the name of the old woman and made beso with her. I overhear her starting a little chat with the woman and even asked her her free time to visit us in the house for manicures and pedicures. So, I completely assumed it was mom’s manicurist. The woman told my mom that her daughter is getting married that weekend and she needed to buy a lipstick for it. I still remember her words to describe the wedding, “Kay judge lang. Mahal kasi”.
After about ten minutes of going back and forth and reading all the lipstick labels, the saleslady finally handed over a red tube of lipstick with a shade close to what the old woman asked for. Looking amply satisfied, the woman asked for the price.
            “155 pisos ma’am. Waterfruf na rin po siya, matagal matanggal”, the saleslady responded.
            The wide, satisfied smile turned into a face of apprehension. The old woman immediately reached into her bag [my guess is that she counted how much many she has at the moment] and told the saleslady, “Sige. Balik na lang ako”.
            At first, I really did not understand what is so expensive about a hundred and fifty five pesos. I own at least three of those products and they were the cheapest in my collection. The image of the old woman walking out the store without being able to purchase what she came there for etched a lasting memory. Only when I was having my internship in Mandaluyong that I was able to give a reasonable justification for the woman, the lipstick and the P155.
            I was sent into an undercover task by my supervisor when she spotted my workstation and realized I was done with the tasks for the day and was ready to go home. She only gave me bits of information to work with, not exactly an elaborate discussion on what I should actually do and who should I be watching and/or following but from what she said I got that I need to secretly follow two people hired to do ‘flyering’ [flyer distribution] as part of the company’s advertising initiatives.
These people, according to my supervisor, are contractual workers needed to be monitored and documented that tasks are really being executed properly at the specified time frame.
            It was not really a big of a deal and I did not mind going out of the office to do field works until my boss instructed me to go from Mandaluyong to Guadalupe. Not just take a cab to Guadalupe but to walk from Mandaluyong to a certain spot and then ride the MRT to Guadalupe and then march under the heat of the Q.C sun just to look for two guys I never met wearing black shirts giving away flyers to people and take pictures of them. I started shaking and it felt like I was going to barf any moment [ I have never commuted in my life and now my boss expects me to commute in a place I am a total stranger to ].
            Immediately, I headed to the comfort room to remove my loud, fuchsia lipstick and applied a colourless balm probably because of the paranoia of attracting the attention of snatchers and drug addicts along the way. Adding fuel to the fire, I was in my corporate attire with a pair of high heels.
            At about 45 minutes of looking for strangers and taking a couple of pictures of people whose faces I am not even sure of, I noticed a weird, sticky feeling on my face. My lip balm is already melting which I took as a sign of resignation from the task. I waited for a cab and told the driver to drive me to Megamall.
            I took advantage of the bad traffic to freshen up and realized I did not bring a spare lip balm of lipstick and so upon arriving at the mall, the first section I went to visit was the make-up section. The brand I was browsing products from was Nichido, a super small within the wide array of make-up stalls inside the department store.
 The most varied make-up products one will ever see, from Philippine drugstore products like Ever Bilena, Fashion 21, Nichido, Kokuryu, LOL to sort of high-end products like Maybelline, Revlon, Max Factor, Clinique amongst others, are inside just one building.
            Looking for a shade I still do not have [probably bordering from plum and wine shades], I see a woman [maybe in her 20s], wearing black pumps, high-waist skirt and an office coat; almost like someone fresh out of a magazine [ this is the part when I raised my eyebrows and examined the woman from head to toe. A very ‘teleserye’ move, I know. ].
The woman was holding a grocery basket [the ones SM Department store uses], and was carelessly and casually pulling out about three shades of Revlon lipsticks [one costs P450. FYI.]; checking out the shades and then putting them inside the grocery basket alongside a couple pieces of clothing.
This particular instance took me back into the old woman walking out the mall without the lipstick she chose just because she found P155 too expensive for a make-up product. I started looking at lipsticks in a different light from that moment.
Not only that such lip colour conceals physical lip imperfections, creates a dominating and empowered look for women, and infuses a heightened level of confidence; but it represents how this society basically operates.
I still haven’t found the perfect shade but I look at Taz’ every time we meet for ENG 106 and get seated on my favourite place in the room, admiring the colour puta red. Puta in this context does not actually imply sexual undertones and promiscuity but is reflective of how it manages to trigger an experience only comprehended by people with the same level of affinity to lipsticks.
With a friend, I stomped through the humble department store SM Calamba has to find my own variation of puta red; my own shade of instigating memory and social involvement, my own colour of defying my generation, my own puta red.
Puta red, therefore, is an exemplary illustration of how Taz came about the juxtaposition of the concept of the shade with being the colour of our generation. 

Friday, September 6, 2013

Mangkukulam (Villanelle)

Binatang dayo ako’y ibigin mo.
‘Yong pansinin aking pusong malamlam.
Nauuhaw ako sa ‘yong pagsuyo.

Kahit sa malapit man o malayo,
Ang mahawakan ka ay inaasam.
Binatang dayo ako’y ibigin mo.

Biglang tatayo, uupo’t yuyuko,
Ang katawang hindi sanay masaktan.
Nauuhaw ako sa ‘yong pagsuyo.

Balat ay mangungulubot sa paso,
Tutubong nana’y ‘di ka mawawalan.
Binatang dayo ako’y ibigin mo.

Hindi malaman kung pa’no natamo.
Latay na umusbong lang sa kawalan.
Nauuhaw ako sa ‘yong pagsuyo.

Mag-ingat, ako’y walang sinasanto.
Buong buhay mo ako’y iyong pasan.
Binatang dayo ako’y ibigin mo.
Nauuhaw ako sa ‘yong pagsuyo.

Pag-iisa (Dalit)


Ang bubuyog sa bulaklak,
Patuloy sa paghalakhak.
Sa mata’y kita ang galak,
Mistulang lango sa alak.

Sa paglipas ng panahon,
Lanta na ang mga dahon.
Wala na ang mga ibon,
Nilimot na ang kahapon.

Tahimik na ang bakuran,
Hindi na nagtataguan,
Lutu-lutuang laruan,
Winasak ng kasalanan.

Patuloy pa rin ang duyan,
Gumagalaw ‘pag nahipan,
Isang matandang hukluban,
Iniwan na ng katipan.

Friday, August 9, 2013

Leanne v.2.0



Bumubuhos.
Bumubuhos na tila hindi na matatapos.
Nalulunod.
Nalulunod ang mundo sa luha.
Nalulunod ang mundo sa baha.
Bumabaha.
Bumabaha ng damdamin.
Damdaming hatid ng malakas na hangin.
Darating ka’t ang lahat ay liliwanag.
Titila ang ulan,
Kakalma ang paligid.
Sasabog.
Usok.
Liwanag.
Musika.
Ikaw.

Thursday, July 18, 2013

Unan v.2.0



Ang kawatan ng iyong alaala,
Nagkukubli sa iba’t ibang hugis at mukha.
Ang kawatan ng iyong kabatan,
Munting katawan ay kulang pang sisidlan.
Ang kawatan ng iyong mga panaginip,
Walang mga mata ngunit nakasisislip.
Sa unang pagkikita’y agad na yayakap,
Isang musmos na sa pagyapos ay salat.
Ang amoy na nagbabago sa bawat segundo;
Amoy ng gugo, usok man o pabango.
Sa gabi ito ang kawatang tunay na iniibig,
Ngunit sa pagsapit ng umaga,
Mistulang nawawalan ng halaga.
Minsan ay bilog, minsan ay parihaba,
Minsan ay manipis, minsan ay mataba.
Ang makamundong paghaplos,
Ang buong pagnanasang paghalik,
Sa pagdating na dilim ay tunay na nasasabik.