Tuesday, May 28, 2013

Beer. Sugat. Katapusan.

Pang ilang beses ko na bang sinabing huling bote na ito ng beer na iinumin ko para sayo?

Dalawa? Tatlo? Maraming beses na; kasing daming beses ko na ring sinabing kakalimutan na kita. Kahit kalian hindi ko naman talaga ‘yun, ginawa o tinupad pero ngayon, walang pagdadalawang-isip, walang hesitations; ayoko na, nakakapagod na.

Aabutin ko na ang huling bote ko ng beer; itataas para sa isang simula ng kalayaan; kalayaan mula sa pang-aalipin mo sa damdamin ko; kalayaan mula sa mga maling pag-asa, maling paniniwala. Noong sinabi mong kailangan mo ng panahon para maghilom, naghintay ako; nirespeto ko bawat segundong hiningi mo para kalimutan siya. Ngayon, masaya ako na nalimutan mo na siya. Pero lumuluha ang langit kasama ng kirot na dulot ng bawat patak ng ulan sa puso ko dahil nalimutan mo siya sa pagmamahal ng iba.. Iba at hindi ako.

Bakit hindi ako? Hindi ko maintindihan. Saan nagkulang? Saan nagkamali? Bakit siya? Bakit hindi mo sinabi? 

Sobrang daming tanong na hindi ko naman kailanman maitatanong sayo. Pakiramdam ko, you owe me at least that respect.. or that decency. Hindi ko alam eh. Kaliangan mo lang naman sabihin simula palang, para alam kong wala akong aasahan.

Pero, teka, oo nga. Sinabi mo pala dati pa.

Ako lang yung parang walang narinig, kasi naghintay ako sayo. Naghintay akong maibalik lahat ng pagmamahal, naghintay akong makita mo kung gaano ako nagmumukhang tanga sa harap ng maraming tao makita mo lang kung gaano kita kamahal.

Minahal mo ba ako? Kahit konti, kahit sandali?

Hindi.

Huli na.

Ilang patak nalang ang kailangang sumugat sa lalamunan ko, sumugat sa puso ko.

Tapos na.


Maging masaya ka na.

No comments:

Post a Comment