Friday, May 17, 2013

Statistical obsession, literally.


“Magpapaquiz na ang prof mo sa Stat. Naghahanap ka ng ¼ na yellow paper. Maguumpisa na, wala paring nagbibigay sayo. Lumapit ka sa akin, inabutan kita ng isang buong yellow paper. Nagpasalamat ka. Kilala mo ako. Nagtaka ka pa nga kasi Comarts ako. Anong ginagawa ko sa Stat lect mo? Magquiquiz na kaya di ka na nagaksaya ng panahong magtanong”, sabi ni Ariane sa sarili habang nakasit-in sa isang Stat class.
Bakit nga pala siya andun? Ahh. Ini-stalk niya yung babaeng batch 10 na buong sem na niyang kinahihibangan. Ganun naman yun. Masaya na siyang matapunan ng tingin, masabihan ng thank you sa tuwing weirdly magpapakita siya sa mga klase ng babaeng batch 10 para pahiramin ito ng kahit ano; masaya na siyang maibigay ang lahat ng kailangan niya.
Hindi daw yun martir sabi ni Ariane, love daw yun. Ganun ba ang love? Parating one-sided? Parating masakit? Parating walang bumabalik? Para sa akin, kamartiran yun. Umibig sa taong kalaban niyo na nga ang buong mundo, hindi pa sigurado kung ikaw talaga ang gusto.
“Babae kaya talaga siya? Baka naman confused lang siya, tulad ko”, sabi ni Ariane sa akin.
“Sinong nagsabing gendered ang pagmamahal?”, sagot ko sa kanya.
Kumakain kami nun sa Bugong. Nakatanggap siya ng text mula sa babaeng batch 10.
“Asaan ka? Padala naman ng bluebook sa EE Audi. Salamat J
“Tignan mo?? Kailangan niya ako, mahal niya ako. Kailangan niya ng bluebook. May smiley pa yung text. Ibig sabihin may halaga ako, kailangan niya ako tulad ng pangangailangan niya sa bluebook”, yun lang at dali-daling umalis si Ariane para ideliver ang bluebook sa EE Audi.
Dumating si Ariane sa EE Audi;hapung-hapo. Iniabot sa babaeng batch 10 ang bluebook.
“Dalawa binili ko, baka kailanganin mo ulit eh”, sabi ni Ariane na may kasamang ngiti.
“Salamat. Kailangan din kasi ng girlfriend ko”, sagot ng babaeng batch 10 sabay pasok sa Audi at tumabi sa isang babaeng batch 10 din. Bio ata. Ewan. Di na niya maaninag ang mukha, puno na ng luha ang mga mata niya.
Doon tinapos ni Ariane ang pagkukwento niya sa akin.
 Iisa lang pala ang ruta ng pag-ibig no? Pwede kang magmahal sa kapareho mong babae; babae rin ang gusto niya kaso nga lang hindi ikaw. Pwede ka naming umibig sa lalaki pero malalaman mo, lalaki rin yung gusto niya.
Martir o tanga, pareho lang yun. Handa kang ibigay ang lahat, mula yellow paper hanggang respetomo sa sarili pero kahit kalian ang isang taong hindi ikaw ang gusto, hindi mapapasayo.  
Balita ko, paminsan-minsan parin ang pagsisit-in ni Ariane sa mga klase ng babaeng batch 10; umaasang mangailangan ito ng lab gown o correction tape o kahit pa pera para sa manual niya sa stat.
 Kahit ano, sapat na raw ang pagbibigay kung tunay kang umiibig.

No comments:

Post a Comment