Sunday, May 19, 2013

Ferris Wheel


Marami na masyadong nangyari.

Pero matagal na tayong hindi umiinom, hindi na natin mabigyan ng panahon yun kasi we were having too much fun to even notice na halos araw-araw magkasama tayo. Alam mo yung sa sobrang bilis parang ferris wheel na umiikot ng umiikot, pabilis ng pabilis, pataas ng pataas. Sa una talagang matatakot ka, sa una ayaw mo sumakay, kasi alam mo nakakalula, nakakahilo.  Pero sasakay parin, you will take the chance kahit alam mong mahirap, kahit alam mong masakit.

Aasa ka na sa kalagitnaan ng ferris wheel ride nay un, matututunan mong ienjoy, matututunan mong sumabay.
Pero gaya ng ferris wheel, matatapos din tayo. Masyado nga lang mabilis, pero matatapos din.

Hindi ko alam kung paano ko itatanong sayo, hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Pero hindi ko na kailangang itanong, kasi alam ko na yung sagot. Kapag tinanong kasi parang tinanong ko kung nakakalula ba ang ferris wheel. Yung tanong na dapat common sense lang, pwede na.

Gusto kong magmura, sumigaw, magalit. Gaya ng nararamdaman ko habang pabilis nh pabilis ang ferris wheel. Sa kabila ng pagluha, iniisip ko baka pwede pa, baka nagooverthink na, baka mali yung signs, baka pwede namang mutual pala.

Pero hindi.

Malinaw.

Kasing linaw ng langit habang nasa tuktok ka ng ferris wheel. May mga bagay pala na kahit abot kamay mo na, kahit andiyan na, kahit pakiramdam mo mangyayari na, magigising ka nalang sa katotohanang tapos na ang ferris wheel ride. Tapos na ang panaginip. Wala talagang tayo.

No comments:

Post a Comment