Friday, May 17, 2013

FLASH FICTIONS


FLASH FICTIONS

Alak
Inabot mo ang isang baso ng tequila shot at kapirasong lemon habang nakatitig sa dalawang babaeng mukhang puta-puta at muling binaling ang tingin sa baso ng tequila kasabay ng pagtulo ng dalawang ga-balang butil ng luha.

Selpon
Mabilis ang iyong takbo, ika’y humahangos, tinitigan mo ang lumang modelo ng selpong hinablot mo sa isang ale palabas ng simbahan, ika’y tumingin sa mga batang nagtitinda ng sampaguita at iniabot ito sa kanila saka ka nakangiting naglakad palayo.

Maligayang pagtatapos
Tinanggal mo ang push pin na nagdidikit sa larawan ng isang babaeng nakatoga sa iyong corkboard at iyong inalala ang araw bago ang pagtatapos sa unibersidad. May sunog, nagising ka, nagbalik ang tingin sa larawan at binalik ito sa corkboard.

Panis
Giniginaw ako at balot ng grasa, ‘di alam kung kalian huling nalamnan ang sikmura, natatanaw ko ang isang hibla ng liwanag sa dako roon, dahan dahan akong lalakad, hawak sa isang kamay ang isang ballot ng panis na pagkain habang ang isa’y nakaturo sa liwanag.


No comments:

Post a Comment