Saturday, May 18, 2013

Walang Pamagat.


Masarap maniwala sa konsepto ng pag-ibig
Masarap malamang umiikot parin ang daigdig
Pero ang buhay mo, aking mahal
Magpapatuloy, uusad.
Ang buhay ko, habambuhay na titigil;
Titigil upang maghintay,
Titigil upang magmahal.
Hindi kailangang maibalik,
Hindi kailangang masuklian,
Sapat na na iyong malaman,
Kahit pa ito ay walang kasagutan.
Masarap maniwala sa pangako ng bukas
Maniwala hangga’t takasan na ng pag-asa at lakas.
Pero ang buhay mo, aking mahal
May halaga, may patutunguhan.
Ang buhay ko, habambuhay na titigil.
Mapapako sa maling pag-asa
Mapapako sa maling paniniwala.
Sapat na na ikaw ay masaya.
Sapat na na ikaw ay malaya.
Dahil ang pag-ibig
Hindi dapat sakim
Hindi dapat mapang-angkin.
Dahil ang pag-ibig
Dapat ay totoo,
Kahit pa wala namang ikaw at ako.

No comments:

Post a Comment