Saturday, May 18, 2013

O tunay na pag-ibig


Ang mga taong nagsasabi
Na ang pag-ibig dapat ay masuklian;
Ang mga taong nagsasabi
Na ang pag-ibig ay di maaaring para sa iisa lang;
Ang mga taong nagsasabi
Na ang pag-ibig ay mali;
Ay ang mga taong hindi marunong umibig.
Sapagkat mahal, wala ng mas tunay at wagas;
Wala ng mas totoo at patas
Bukod sa pag-ibig na walang hinihintay.
Hayaan mo akong tumangis,
Hayaan mo akong masaktan.
Ito naman mahal ay hindi mo kasalanan.
Sapaktak ito ang pinili kong daan
Mapatunayan lamang ang ating pagmamahalan.
Mahal maaaring sa ibang panahon,
Maaring sa ibang pagkakataon
Ikaw rin at ako.
Ngunit sa ngayon, hayaang mamukadkad
Ang iyong mga pakpak.
Ikaw’y lumipad, hanapin ang sarili.
Sapagkat ang aking pag-ibig,
Kailanma’y hindi magmamaliw.
Naririto at maghihintay.
Naririto hanggang mamatay.

No comments:

Post a Comment